Nasaan ang Gloria?

Gusto niyo bang maging pangulo ng Pilipinas? Sa dami ng problema dito, hindi siguro. Puwera na lang kung ikaw ay isang politiko.

Pangarap ko na dadating din ang araw na pasasaan ba't uunlad din tayo. Di na kailangang mangibang bansa para kumita. Susulong din ang ating ekonomiya. Maari kang magmaneho ng sasakyan at hindi iinit ang iyong ulo.

Di na natin po-problemahin si Nur Misuari at Mindanao. Wala nang mga taga-Comelec na biglang tatambangan at mapapatay. Wala nang ku-kuwestyon sa mga hatol ng Korte Suprema. Magtatrabaho ng tunay ang mga Senador at Kongresista. Ang pamilya ng mga pangulo ng ibang bansa ay matutuwa kapag nakapag-pakodak sila kasama ng pangulo ng Pilipinas.

Limang pangulo na ang aking nakita. Lahat nangako ng pag-unlad pero hanggang ngayon, nasan nga ba ang gloria? Siguro, namamasyal pa.

[By Angelica Viloria | Thursday, November 22, 2001]


Show This To Your Mom Today

Copyright © 2001-2015 by Angelica Bautista Viloria. All Rights Reserved.


  Previous entry: "A Secret Best Kept"
  Next entry: "Reunions"




Angel Viloria photo
"We Host at H4P because
H4P is affordable, reliable,
and customer-friendly!"
-- Angelica Viloria


  Viloria.com
  About Angelica Viloria
  Angelhouser
  Archives
  Secondthoughts
  Contact Us
  RSS Feed


  AngelicaViloria.com
  AtYourWord.org
  TubBu.com